Tito Sotto Kinumpirma Na Maaring Lumipat Ng Ibang TV-Netwok Ang Eat Bulaga!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Ibinunyag ni Tito Sotto na may posibilidad na ang longest-running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga ay lilipat mula sa GMA Network papunta sa ibang network. Kung sakaling hindi mareresolve peacefully ng nasabing show ang kanilang mga isyu sa pagitan ng mga executive ng Tape Inc.


Sa isang panayam, isiniwalat ng dating Senate President na si Tito Sotto ang posibilidad na aalis sa GMA7 ang Eat Bulaga sakaling hindi talaga sila magkakaintindihan ng Tape Inc.


Nauna nang naiulat na ang Eat Bulaga ay original na mula sa  TVJ kaya naman sakaling umalis sila sa GMA7 ay madadala nila ang pangalan ng show.


Inamin rin ni Tito Sotto na nakakatanggap na rin sila ng offers mula sa ibang mga networks.


“That’s possible,” pahayag ni Tito Sotto.


“As a matter of fact, I have no problem saying that we’re getting offers from two other stations,” dagdag pa nito.


Samantala, hindi pa sumagot ang Tape Inc. o di kaya ay ang GMA7 hinggil sa mga isiniwalat ni Tito Sotto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo