Skusta Clee, Humingi Ng Sorry Sa Anak Na Si Baby Bia!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng nakakaantig na mensahe ang controversial OPM Rapper na si Skusta Clee para sa anak na si Baby Bia sa ikalawang birthday nito.


Matatandaan na mahigit isang taon na ring hindi nakakasama ni Skusta Clee si Baby Bia matapos ang hiwalayan nila noon ni Zeinab Harake.


Muli na namang hindi nakasama ni Skusta Clee ang anak sa ikalawang birthday nito.


Matatandaan na noong unang kaarawan ni Baby Bia ay hindi rin namataan si Skusta Clee dahil sa mainit na isyu ng biglaang hiwalayan nila ni Zeinab Harake.


Samantala, makikita naman sa Instagram stories ni Skusta Clee ang pagbabahagi  niya ng larawan ni Baby Bia kalakip ang kanyang mensahe para sa kanyang anak.


"I love you... sorry.."


Isang photo collage naman mula sa isang fan ang larawang ibinahagi ni Skusta Clee.


Matatandaan na hiniling noon ni Skusta Clee na makasama kahit sa kanyang kaarawan man lang ang anak na si Baby Bia.


Subalit, hindi ito pinagbigyan ni Zeinab Harake kaya naman tanging standee na lamang ng anak ang nakasama ni     Skusta Clee sa kanyang kaarawan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo