Yassi Pressman Emosyunal Sa Pagbabalik Sa ASAP Natin 'To!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Emosyunal na nagpahayag ng pasasalamat ang aktres na si Yassi Pressman sa kanyang pagbabalik sa "ASAP Natin 'To" stage nitong Linggo.


Pagkatapos ng kanyang performance ng "Instruction" ni Jax Jones tampok sina Demi Lovato at Stefflon Don, todo ngiti si Pressman na makabalik sa Kapamilya stage.


"It’s so nice to be here again and I miss the stage and performing," pahayag ng aktres.


Si Yasmin Isabel "Yassi" Pressman ay isang Filipino-British na modelo, artista, TV Personality, singer at dncer. Bilang isang power dancer, nabigyan siya ng break sa kanyang career para sa pagganap ng mga antagonist roles bago sumikat matapos gumanap bilang Alyana Arevalo sa hit na FPJ's Ang Probinsyano.


Matatandaan na naging matunog ang pangalan ni Yassi nang amininin ng kanyang kapatid na si Issa Pressman at James Reid ang kanilang relasyon. 


Agad namang nilinaw ni Yassi na walang nasaktan sa pag-amin nila at kinausap din umano ng mga ito ang mga sangkot bago nila isiwalat sa publiko.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo