JM De Guzman Aminadong Nabaliw Sa Pag-ibig Noon!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay inamin ng aktor na si JM De Guzman ang kanyang mga karanasan dahil sa pag-ibig.


Binalikan rin ng aktor na noong unang ini-offer sa kanya ni Direk Nuel Naval ang romentic-comedy na 'Adik Sayo' kinailangan muna niyang pag-isipan itong mabuti. Subalit kalaunan ay tinanggap na rin niya ang offer.


“Alam ko na maganda ang script. Close din ako kay Tita Mel. But the hesitation part, parang talaga ba? Babalikan ko na naman internalize ang mga pinagdaaanan ko. Pero talagang trust lang,” saad ni JM.


Ibinahagi rin ng aktor ang pagka-baliw niya sa pag-ibig noon na naging dahilan kaya siya nalulong sa masamang bisyo.


“I really went crazy because of love. Bata pa ako noon. Pero parang nasa level ka na ng ‘Sh**, ito na ang gusto kong pakasalan at gusto kong makasama habangbuhay."


“Ito na ‘yung gusto kong mahalin araw-araw. Tapos biglang mawawala. Masakit, masakit sobra. Parang hindi mo alam kung saan mo ibabaling ang pagmamahal na para sa kanya," pagbabalik tanaw ng aktor.


Dahil umano sa sobrang sakit nagself destruct ang actor at parang nawalan ng pag-asa.


“Sa sobrang sakit, nag-self-destruct ako. ‘Yun ang naging tendencies ko bilang isang lover. I tend to hurt myself, to destroy myself, to destroy my career. Lahat ng maabot ng kamay ko sisirain ko, sasaktan ko."


“Hindi ako nananakit. Sarili ko lang. Umabot ako sa point na gano’n. The consequences came. Hindi na ako nabibigyan ng work. I was rehabilitated. Natanggal lahat ng privileges ko."


Dahil sa kawalan ng mga privileges, napagtanto umano niyang kailangan niyang bigyang pansin ang mga bagay na nasa kanya na pinapangarap lamang ng iba.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo