Whamos Cruz at Antonette Gail Halos Mahimatay Sa Tawa Ng Gayahin Ni Meteor Ang Kanyang Daddy!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Jerome


Ikinatuwa ng maraming mga netizen at mga tagahanga ng mag jowang Antonette Gail at Whamos Cruz ng magbahagi ng isang video at larawan si Antonette sa kanyang social media account.


Makikita sa ibinahaging larawan ni Antonette sina Whamos at ang baby nilang si Baby Meteor na nag po-pause sa harap ng camera na parehong nakasimangot ang mukha.


Maririnig nga din sa kuhang video nila Whamos at Baby Meteor ang pagtawa ng tawa ni Antonette sa naging pause ng kanyang mag-ama.


 Kung pagmamasdan mo ng maigi ang larawan nilang mag-ama ay talagang masasabi mong magkamukha talaga silang dalawa. Tulad nga sa kasabihang like father like son.


Agad naman itong umani ng iba't-ibang reaction at komento mula sa mga netizen at lalong-lalo na sa kanilang mga tagahanga na todo suporta talaga sa kanilang mga post sa social media.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo