Maggie Wilson, Nagreact Sa Larawan Ni Victor Consunji Kasama Ang Bagong Silang Na Baby at Rachel Carrasco!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


Agad na nagreact ang estranged wife ni Victor Consunji na si Maggie Wilson sa ibinahaging larawan ng una kung saan makikitang may kasama silang sanggol ng rumored lover na si Rachel Carrasco.


Ayon kay Maggie Wilson, hindi siya aatras sa pakikipaglaban publicly sa kanyang asawa.


Matatandaan na sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji sina Maggie Wilson at ang kasosyo nitong si Tim Conner.


Subalit, ngayon ay tila si Victor pa ang naunang magkaroon ng anak sa ibang babae.


Gayunpaman, may ilang mga netizens ang naniniwalang sa pagdating ng baby ay mahihinto na ang public feud nina Maggie at Victor. Subalit sa paglalabas muli ni Maggie ng saloobin tila na hindi pa rin ito umuurong sa bangayan nila.


Sa Instagram story ni Maggie makikitang ibinahagi niya ang screenshot ng article at sinabing hindi pa rin sila annulled at pinagbabawalan pa siyang makita ang kanyang anak.



“Still not annulled. Still no communication. Still have an adultery charge. Still getting demands every day. Still blocked from seeing my son.”


Sa kabilang banda, hindi pa naman hayagang inamin nina Victor Consunji at Rachel Carrasco na anak nga nilang dalawa ang bata.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo