Vice Ganda Pinahiya Ang Kanyang Fans Sa Harap Ng Maraming Tao!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Jerome

 


Isang magkasintahan ang napagalitan ng Tv host comedian na si Vice Ganda sa kanyang concert sa bansang Canada Matapos daw umano siyang masabunotan.


Kumakalat ngayon sa social media ang video na ibinahagi ng isang netizen.


Kung saan ay makikitang pinagsabihan ng komediyante ang isang taga hanga na di umanoy humila sa kanyang wig.


Nangyari umano ito habang naglalakad si Vice Ganda sa gitna ng mga audience.


Sabi ng Tv host sa kanyang fan, "You don't do that, you have to say sorry to me."


"Who did that? You don't do that, that's very rude."


Matapos nito ay muling nagsalita si Vice, at itinuro ang nasabing fan nanagsabunot sa kanya sabay sabing, "This guy is very rude."


Itinuro naman ng nasabing lalaki ang kanyang kasintahan na kasama niya, na ito daw ang humila sa buhok ni Vice.


Saad naman ng komedyante, "so, who was it? So it's your girlfriend. Both of you are rude."


Samantala ipinagtanggol naman ang magkasintahan ng kanilang mga kaibigan, at ipinaliwanag ang umano'y totoong nangyari.


Ayon sa kaibigan ng magkasintahan, "I know them po, they are nice people, they wouldn't do that on purpose."


Dagdag pa ng kaibigan ng magkasintahan na aksidente lang daw ang nangyari.


Kuwento nito,"Ganito daw po kasi ang nangyari, bali si Vice nasa harap na nila, nakaharap sa kabilang side ng audience."


"Sayang yung chance na makapagpapicture, so bago sila lampasan, sinubukan ng girlfriend niya na kalabitin si Vice para lumingon sa kanila."


"Pero sumabit sa koko nito ang wig ni Vice Ganda, pero na tanggal din naman niya agad, kaya lang saktong paalis din si Vice."


"Kaya parang na hila ang wig niya, at kaya nagalit si Vice."


Dagdag pa nito na, kaya daw pangisi-ngisi lamang ang lalaki sa video.


Dahil na gulat daw ito kung bakit pinagso-sorry siya ni Vice Ganda.


Naiintindihan umano nila kung bakit nagalit si Vice, dahil na saktan ito at nauunawaan nila ito dahil sa hindi naman nakita ni Vice ang tunay na nangyari.


Ngunit sana ay hindi na umano inulit-ulit pa ng komedyante ang pagtawag na rude sa kanilang kaibigan gamit ang mikropono. 


Sana ay naisip daw umano ni Vice na mga fans niya ang dalawang iyon.


Na gumastos at naglaan ng oras para lamang makita siya.


Bago daw umano nangyari ang insidente ay labis daw umano ang excitement ng dalawa, na makapunta sa concert ni Vice.


Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang kam[po ni Vice ukol dito.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo