Pokwang May Bagong Pag-ibig? May Manliligaw Na!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


Tila matatapos na ang pagiging bitter ng komedyanteng si Pokwang matapos ang pagbabahagi niya sa kanyang Instagram stories ng larawan ng tila natanggap niyang box of flowers.


“Luh! Thank you…” mababasa pang caption ni Pokwang sa nasabing larawan.


Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Pokwang sa kung sino ang nagpadala sa kanya ng regalong ito.


Gayunpaman, iniisip ngayon ng ilang mga netizens na mula ang regalo sa panibagong manliligaw ni Pokwang.


Ikinatuwa pa ito ng ilang mga fans niya at sinasabing hindi na ito magbibitter pa at makakapag move on na rin ito sa wakas sa dati niyang kinakasama na si Lee O'Brian.


Matatandaan na nito lamang January 2023, sinimulan ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang pagsisiwalat sa mga baho ng dati niyang kinakasama na si Lee O'Brian.


Ilang beses din pinagdidiinan ni Pokwang ang pagiging pabayang ama ni Lee. Kung saan wala umano itong naiambag mula sa pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki niya sa kanilang anak na si Malia.


Ibinahagi rin ni Pokwang ang kanyang pagbabalak na tanggalin ang apilyedo ni Lee sa kanilang anak na si Malia. Isa pa sa mga ipinaglalaban ni Pokwang ay ang pagbibigay ng child support ni Lee sa kanilang anak na si Malia.


Wala namang masama sakaling makatagpo ng panibagong pag-ibig si Pokwang dahil hindi naman sila ikinasal ni Lee O'Brian.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo