Boy Abunda, Nabahala Kay Boobay Sa Fast Talk With Boy Abunda!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa social media ang tila pagkakaroon ng medical emergency ng komedyanteng si Boobay sa kanyang guesting sa show ni Boy Abunda sa GMA7.


Base sa mga kumakalat na video, makikitang bigla na lamang huminto sa pagsasalita at pagkikikilos si Boobay habang kinakausap ni Boy Abunda.


Agad naman itong nilapitan ni Boy Abunda at tinanong kung okay lamang ba ito.


Hindi na nakasagot pa si Boobay kaya pansamantalang pinatigil muna ni Boy Abunda ang kanilang show at tumawag ng break.


Ayon sa inilabas na ulat ng GMA, dumadanas si Boobay ng anxiety attack. Isa ito sa mga epektong natamo niya nang ma-stroke siya noong 2016. 


Samantala, agad namang naka-recover si Boobay matapos ang ilang sandali sa tulon ng mga health personnel na naka-standby.


Ibinahagi niya na ganoon din ang dinanas niya noong nagte-taping siya ng The Boobay and Tekla Show last Wednesday, April 19.


“Siguro dahil sa ilaw din at the same time siguro konti pa ang tulog ko no’n, na maling-mali sa ginawa ko–na dapat talaga bago ka pumunta sa isang trabaho hindi ka muna kukuha ng ibang trabaho pa,” pagbabahagi ni Boobay.


Ayon sa kanyang doktor, normal lamang na mararanasan niya ang mga ganitong sandali at ang pinakamagandang gawin ay hayaan na lamang itong lumipas at natural na bumalik ang kanyang kamalayan. 


Ayon pa kay Boobay, pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na magpahinga ng mabuti ngunit ang kanyang kahulugan ng pahinga ay nagpapasaya at nagpapanatiling naaaliw sa mga tao.


Si Norman Balbuena na mas kilala bilang na Boobay, ay isang Filipino artist, komedyante at TV-host. Kilala siya sa paglabas sa ilang GMA News and Public Affairs shows bilang co-host.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo