Bea Alonzo, Ibinahagi Na Ang Dahilan Ng Kanyang Weight Gain!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang napapatanong kung bakit tila nadadagdagan ng timbang ang aktres na si Bea Alonzo.


Kaya naman sa isang vlog, nilinaw na ni Bea Alonzo ang dahilan kung bakit nadadaragdagan ang kanyang timbang.


Sa latest vlog ng aktres na pinamagatan niyang Behind The Gram isiniwalat ni Bea ang lahat.


Unang ibinahagi ni Bea ang paghihirap niya sa paglalaro ng tennis kasama ng boyfriend na si Dominic Roque.


Ayon kay Bea Alonzo nahihirapan siya sa pagtakbo dahil sa kanyang pagtaba. 


“Because aside from having PCOS (polycystic ovarian syndrome), I recently was diagnosed with hypothyroidism, so that’s the reason behind my gaining weight," pag-amin ni Bea Alonzo. 



“I’m trying to address it now by working out, by dieting, and taking meds for it and supplements. So, wish me luck, sana matapos na siya. So sa mga nagsasabi diyan, bakit ang taba na daw ni Bea, ‘yun po ‘yung reason. Pasensya na po kayo," paglilinaw pa ni Bea Alonzo.


Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom na mas kilala sa kanyang screen name bilang si Bea Alonzo, ay isang Pinay actress, model at former singer. Ipinanganak si Bea Alonzo noong October 17, 1987, dito sa bansa.


Isang British ang kanyang ama habang Filipina naman ang kanyang ina. Sumikat ng husto si Bea Alonzo dahil sa mga hit movies nila ng dating kalove team na si John Lloyd Cruz.


Matatandaan na naging malaking usapin ang pagtanggi ni Bea Alonzo na muling makasama sa iisang proyekto ang dating kasintahan na si Gerald Anderson.


Naging kontrobersyal kasi ang hiwalayan nila ng pauli-ulit na sinasabi ni Bea na na ghosting siya ni Gerald.


Sa kabilang banda, ipinagdidiinan naman ni Gerald na hindi niya ginosht si Bea Alonzo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo