Unang Asawa Ni John Regala, Nananawagan Ng Tulong Pinansyal Para Sa Dating Aktor!

Linggo, Abril 23, 2023

/ by Lovely


 Nanawagan ang unang asawa ng dating sikat na aktor na si John Regala sa lahat ng mga kamag-anak ni John, mga kaibigan at kasamahan nito sa trabaho ng tulong pinansyal para pagpapaospital ni John Regala.


Kamakailan lamang, muling nagviral ang aktor nang mamataan ito ng isang netizens sa kaawa-awang estado sa loob ng hospital.


Iniinda ni John Regala ang liver cirrhosis. Ang Liver Cirrhosis ay isang liver condition kung saan ang atay ay nakakaroon ng mga peklat at permanenteng damage. 


Pinapalitan ng scar tissue ang healthy liver tissue. Pinipigilan nito ang atay na gumana ng normal. Habang lumalala ang cirrhosis, nagsisimulang magfail ang liver.


Samantala sa isang panayam, ipinahayag ng dating asawa ni John Regala na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt ang pagbibigay niya ng moral support para sa dating aktor.


Kasalukuyang na ibang bansa naninirahan ngayon si Aurina Alvarez subalit hindi iyo naging hadlang sa pagbibigay niya ng tulong para kay John.


“Makikita mo pa rin na talagang gusto niya pa ring lumaban ngayon. Kasi before talagang malungkot na siya eh. So ever since noon, two to three days or almost one week iyak ako nang iyak. Noong napasok na siya sa ospital talagang sabi ko lakasan niya loob niya,” pagbabahagi ni Aurina.


“So hopefully, ’yong mga ibang pamilya, kamag-anak tawagan siya para may a little bit of support … para pampalakas ng sigla niya,” saad pa nito.


Nauna nang naiulat na iniwan na ngayon si John Regala ng kanyang kinakasama. Isa sa naging pangunahing dahilan nito ay ang pagkakasakit ni John at ang pagkaubos ng perang kinita nito sa paggawa ng pelikula.


Nito lamang nakaraang buwan, muling isinugod sa hospital si John Regala. Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon hindi na ito gaanong nakakakain ng maayos dala ng kanyang karamdaman.


Nagpaabot naman ng tulong ang ilang mga celebrities at mga dating kasamahan nito sa trabaho. Maging ang ilan sa kanyang mga fans ay nagpaabot rin ng kuning tulong financial para sa pagpapagamot ng dating aktor.


Matatandaan na humiling noon si John Regala sa actor director na si Coco Martin kung maari ba siyang isama nito sa ilang mga proyekto dahil kaya pa naman umano niyang magtrabaho.


Si John Paul Guido Boucher Scherrer, na mas kilala sa kanyang screen name na John Regala, ay isang Filipno artist, Christian minister at environmentalist.


Kilala si John Regala sa pagganap ng mga kontrabida roles sa mga pelikula at teleserye sa Pilipinas lalo na noong 1990s. Isa rin si John Regala sa mga na-tag bilang unofficial "Bad Boy" ng Philippine action films kasama ang mga kapwa action star tulad ni Robin Padilla at ang yumaong si Ace Vergel.


Gayunpaman mas kilala si Robin Padilla sa palayaw na 'Bad Boy' sa Philippine movies. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo