TVJ, Mananatili Lamang Sa Eat Bulaga Sa Isang Kondisyon!

Linggo, Abril 16, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na sinabi ng isang pangmalakasang source nila na may kondisyon ang TVJ sa pananatili nila sa Eat Bulaga.


Kamakailan lamang ay nabulabog ang mga fans ng Eat Bulaga sa balitang papaalisin ng bagong executives ng TAPE Inc. ang TVJ at ang ilang mga production staff ng show.


Nauna nang naiulat na may nakatakdang presscon ang bagong namumuno sa TAPE Inc. noong April 15, na move ito sa darating na April 17 at namove naman ulit.


Ayon kay Manay Cristy Fermin na isa sa ibinigay na kondisyon ng TVJ sa pananatili ng show ay ang pananatili rin ng mga production staff at hosts.


“Galing po ito sa aming matinding source, dapat April 17 magkakabalasan na, pero naurong, April 30 magdedesiyon ang TVJ at isa lamang ang dahilan para sila ay maiwan sa ating Eat Bulaga ngayon… Kung walang gagalawin sinuman sa production staff ang bagong mamamahala ng programa,” pahayag ni Cristy Fermin.


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin, “Yun ang kanilang gusto, walang sinuman ang papalitan, aalisin, kailangan intact ang production staff ng Eat Bulaga mula noon hanggang ngayon.”


Ipinunto pa ni Manay Cristy Fermin na talagang isang pamilya na ang turingan ng mga hosts at staff sa Eat Bulaga.


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na maaring mapunta sa demandahan sakaling hindi pagbibigyan ng bagong namumuno sa TAPE Inc.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo