Ina Ni Sarah Lahbati, Binatikos Ang Dati Nilang Kasambahay Sa Social Media!

Linggo, Abril 16, 2023

/ by Lovely


 Hindi maitago ng ina ni Sarah Lahbati ang pagkadismaya sa kanyang dating kasambahay na naging katulong din ng kanyang anak.


Sa isang Facebook post, ipinakita ni Esther Lahbati ang larawan ng kanyang dating empleyado na kuha sa Sagada, na nagsasabing dapat siyang harapin ng huli at sabihin ang totoo.


Ayon kay Esther Lahbati, sinisi umano siya ng dating empleyado sa pag-alis nito sa kanyang trabaho bilang kasambahay ni Sarah.


Ipinaalala pa ni Esther na nakarating sa Sagada ang kasambahay dahil kay Sarah Lahbati.


“Hoy babae humarap ka sa akin sabihin mo ang tutuo hindi yong gumagawa ka ng ka dramahan.ako pa talaga ang ginamit mo para sa ka sinungalingan mo. 


"Ang kapal ng mukha mo ako pa ang idadahilan mo sa pag alis mo!magharap tayo para malaman ng amo mo kung ano ang pinag ga gawa mo,” prangkang pahayag ng ina ni Sarah.


Ipinahayag pa ng ina ng aktres kung gaano ito kasinungaling. Sinabi pa nito naka-block na siya ngayon sa account ng kasambahay.


“Sinungaling ka! ang bilis mo mag blocked para di kita ma tawagan nong nag a appply ka sa akin lagi mo ko tine text na gusto mo mag trabaho sa akin."


Pagsisiwalat pa ni Esther na hindi niya sana ito tatanggapin dahil galing na ito sa kanyang anak ay sa isa pa niyang kaibigan.


Sinabi pa niyang nagpaalam lamang itong magday-off noon sa pagtatrabaho nito kay Sarah subalit hindi na bumalik.


Isiniwalat pa ni Esther na hindi umano maganda ang trato ng kasambahay sa mga bata at tinatakot pa ang mga ito.


“Sinasabi mo lagi sa mga alaga mo na lalayasan mo mga bata pag di nakikinig ang mga bata sa iyo at sinasabihan mo pa ng dugyot ang mga apo ko.OA ka masyado.kung aalis ka sana hindi ka na gumamit ng tao na Wala naman ginagawa sa iyo.akala mo kung sino ka dyan sa bahay ng anak ko!”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo