Meet & Greet Ni Rendon Labador Lalangawin?

Linggo, Abril 16, 2023

/ by Lovely


 Tila unmotivated ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador sa kanyang Facebook post nitong April 14.


Hindi umano sigurado si Rendon kung may pupunta ba sa kanyang Meet & Greet event na gaganapin mismo sa kanyang restobar.


Ani Rendon sa kanyang post, "Feeling ko walang pupunta bukas sa meet and greet ko, first time ulit na lalangawin ang isang meet and greet sa history ng pilipinas, okay lang din basta may bragging rights at record holder tayo. Laban lang!"


Dagdag pa niya na hindi siya sigurado kung may pupunta ba upang makinig sa kanyang ibabahaging Marketing Tips. Magkakaroon din ng acoustic night at house party.


"Wala talagang pupunta bukas… Saturday sa Episode Bar + Kitchen Andoon kasi ako tapos mag discuss ako ng marketing tips na makakatulong sa mga business owners at content creators, tapos may Q&A segment. May serenade din bukas ng dinner time ACOUSTIC plus HOUSE PARTY music ng 10pm to 2am."


Matatandaan na unang nilangaw ang grand opening ng Episode Bar + Kitchen ni Rendon Labador. Ibinahagi pa niya na malaki ang nalugi niya dahil sa nangyari.


Gayunpaman, muling bumangon si Rendon at ipinakitang hindi siya susuko sa kabila ng pambabatikos sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo