Tunay Na Dahilan Ng Pagsugod Sa Ospital Kay Michelle Dee Na Anak Ni Melanie Marquez!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Jerome

 


Kumalat ngayon sa social media ang mga larawan ng anak ni Melanie Marquez na si Michelle Dee na nakaratay sa hospital.


Ito ay matapos siyang isugod sa hospital, dahil sa lubhang pagdurugo.


Kaya namann  tanong ng karamihan kung anu nga ba ang nangyari sa kanya.


Ang Sparkle Artist na si Michelle Dee ang mismong nagpaliwanag kay Nelson Canlas sa tunay na dahilan kung bakit siya na hospital.


Ayon nga sa actress ay siya ay sumailalim sa isang operasyon matapos siyang dumanas ng matinding pagdurugo, at ng yari pa iyon sa mismong araw ng kanyang ika 28th birthday.


Matapos naman ang pag-obserba ng mga doctor ay napag-alamang puno raw umano polyps ang kanyang uterine lining.


Kinailangan daw tanggalin ang mga ito kaya't agad siyang inoperahan.


Sa ngayon ay nakalabas na siya ng hospital at nagpapagaling na, ayon pa sa kanya ay pinahintulotan na din daw siya na makabalik sa kanyang trabaho.


Samantala napansin naman ng mga netizens na naka full make-up pa ang actress hapang ito ay nasa hospital.


Nagtaka raw ang marami kung bakit daw pinayagan pa ng doctor na magmake-up ito, gayung delikado daw umano ito habang inu-operahan.


Dahil natatakpan nito ang totoong kulay ng pasyente kung namumutla na at nauubosan na ng hangin sa katawan.


Pero ayon naman sa iba ay baka daw hindi ito malala at minor surgery lang ang nangyari.


Marahil din daw sa bilis ng pangyayari sa pagsugod sa kanyan sa hospital, at sa mismong araw pa ito ng kanyang kaarawan nangyari kaya siya ay naka make-up pa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo