Eugene Domingo Ilang Taong Binayaran Ang Tuition Ng Anak Ni Dolly De Leon!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng international actress na si Dolly De Leon ang malaking utang na loob na hanggang ngayon ay tinatanaw niya sa kanyang kaibigan na si Eugene Domingo.


Ilang beses na rin umano niyang napatunayan kung gaano kabait at ka-loyal na kaibigan si Uge mula pa noong kabataan nila hanggang sa makapasok na sila sa mundo ng showbiz.


Talagang hindi umano itong nang-iwan sa kanya noong panahong labis siyang nangangailangan ng makakapitan at tulong.


Kaya naman hanggang sa huli ay papahalagahan niya ang kanilang pagiging magkaibigan.


Literal umano itong hindi nang-iiwan sa hirap man o sa ginhawa na kanilang pinagdaanan.


Samantala, inamin din ni Dolly kay Tito Boy Abunda na si Eugene Domingo ang nagbabayad noon sa tuition fee ng kanyang mga anak sa loob ng tatlong taon.


“At the time when I was going through really hard times, kasi Kuya Boy may time talaga na wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral dahil wala akong pambayad ng tuition,” panimulang pagbabahagi ni Doly De Leon.


Marami naman umanong mga kaibigan na tumulong sa kanyang kabilang na si Eugene Domingo na siyang nagbayad ng tuition fee ng kanyang anak sa loob ng tatlong taon.


“A lot of friends came to support me. Uge’s one of them. She paid for my son’s tuition for three years.”


Maging ang pagsuporta ni Eugene sa kanyang paghahanda sa pagdalo sa mga awards night na kinabibilangan niya ay ibinahagi rin ni Dolly.


“Kumbaga, dinaanan niya ‘to eh so alam niya kung anong gagawin. Binigyan niya ako ng tips on…I know it sounds mababaw—pero binigay niya akong tips kung anong sapatos susuotin. ‘Magbaon ka lagi ng flats,’ ganyan.”


Kamakailan lamang ay pinangaralan si Dolly De Leon bilang Best Supporting Actress sa Los Angeles Critics awards. Naging nominee rin siya bilang Best Supporting Actress  sa British Academy of Film and Television Arts (BAFTAs).


Siya rin ang kauna-unahang Pilipinong artista na napansin sa Golden Globes Awards.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo