Sikat Na Abs-Cbn Singer Titigil Muna Sa Kanyang Pagkanta!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Jerome

 


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang sikat na star magic singer, na titigil raw sa pagkanta.


Kaya naman na lunkot ang mga fans, ng singer na ito, ang singer na ito ay bahagi ng isa sa mga agency na under ng ABS-CBN na kasamang pumirma noon ng kontrata.


Sa pinakabagong balita ay nag pahayag ang OPM singer na si Gigi De Lana, na magpapahinga muna siya sa pagkanta.


Matapos siyang ma diagnose ng nodules sa kanyang lalamunan.


Ang vocal cord nodules (tinukoy bilang "vocal fold" nodules ng mga manggagamot) ay mga paglaki na nabubuo sa vocal cords.


Ang mga bukol na ito ay benign (noncancerous) at katulad ng mga kalyo na maaaring mabuo sa mga kamay. Nakakaapekto ang mga nodulo sa mga babae at lalaki sa anumang edad, at karaniwang sanhi ng mga isyu sa boses sa parehong mga bata at matatanda.


Ibinahagi ng singer ang kanyang kalagayan sa mismong event niya nitong miyerkules ng gabi.


Dito nga ay hiningi niya ang tulong ng kanyang mga audience para samahan siya sa pagkanta.


Saad nga niya sa kanyang pagperform, sabi niya, "Gusto kung sumabay kayo sa akin, kahit di niyo alam ang kanta at kahit kunwari lang."


Ayon nga sa kanya na gusto daw niyang marinig ang mga tao na sumabay sa kanyang pag-awit dahil hindi niya alam kung ganon parin ba ang kanyang boses matapos niyang magpahinga.


Kaya humingi siya ng dasal sa mga netizens para sa kanyang pagpapagaling.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo