Tropang LOL Emosyunal Sa Kanilang Pamamaalam Sa Ere!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Naganap na ang final episode ng noontime show na Tropang LoL nitong April 29, 2023.


Samantala, sa naganap na final episode ng nasabing show, emosyunal na namaalam ang mga host sa bawat isa at sa kanilang audience.


Makikitang napaluha si Billy Crawford sa huling episode ng show gayunpaman nilinaw niya na ang kanyang mga luha ay tears of jot at hindi dahil sa kalungkutan. 


Dagdag pa niya, naluluha siya dahil mami-miss niyang magtrabaho kasama ang kanyang Tropang LoL Family, kasama sina Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray at Alex Gonzaga. 


Ang Tropang LOL, na dating tinatawag na Lunch Out Loud, ay ipinalabas sa ere mula noong October 2020 hanggang April 29, 2023.


“It’s great. It was great. It was a blessing kaya itong luha ko, e, tears of joy, masasabi ko, kasi lahat ng katapusan may panibago yan, e..."


“Kaya yung pakiramdam nung nakita ko yung video na hindi ko mapigilan yung iyak ko, hindi sa lungkot. Sa sakit, dahil mami-miss ko kayo truly."


“I treated and you treated me a family. Gusto ko lang magsabi sa lahat ng tao na nandito, sa lahat ng nanonood na Tropang LOL, maraming-maraming salamat,” pahayag ni Billy.


Bago pa man naganap ang final episode ng Tropang LoL inalmahan ng ilang mga netizens ang naging pahayag ni Alex Gonzaga sa closing spiel niya sa show.


Ayon kay Alex na mag-oovertime umano sila upang hindi sila makapasok.


Bagama't hindi naman hayagang tinukoy ni Alex Gonzaga ang ka-back-to-back nilang show na It's Showtime, napagtagpi-tagpi ng mga netizens na ito nga ang tinutukoy ni Alex Gonzaga.


Matapos kasi ng kanyang spiel ay sinabihan niya si Billy na baka babalik na roon.


Matatandaan na bago pa man napabilang si Billy Crawford sa Tropang LoL, una siyang nakasama nina Vice Ganda sa It's Showtime.


Bago pa man naiulat ang pagpapatigil sa noontime show na Tropal marami na ang nagsasabing dapat na talagang itigil ang show dahil napaka-insensitive umano ng mga hosts nito.


Hindi rin umano nakakatawa ang mga joke ng mga ito. May mga nagsasabi pang hindi maganda ang rating nito, tumataas lamang sa huling bahagi dahil sa pag-aakala ng mga manonood na It's Showtime na.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo