Whamos Cruz Todo Alaga Kay Antonette Gail Matapos Magpaayos Ng Ilong!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay sumailalim sa isang nose surgery ang fiancee ni Whamos Cruz na si Antonette Gail Del Rosario.


Isinagawa ang procedure ng pag-aayos ng ilong ni Antonette Gail ng The Icon Clinic, Dr. Yappy.


Makikita sa ibinahaging video ni Whamos Cruz matapos ang isinagawang surgery kay Antonette ang labis na pamamaga ng kanyang mukha.


Sa labis na pamamaga nito hindi na nakakain ng solid foods si Antonette kaya mga soups na lamang muna ang kanyang kinakain sa ngayon.


Makikita rin ang labis na pag-aalaga at pagsuporta ni Whamos sa kanyang fiancee na talaga namang labis na hinangaan ng kanilang mga tagahanga.


Ayon sa kanilang mga fans na talagang mahal na mahal ni Whamos Cruz si Antonette Gail dahil labis ang pagsuporta nito.


Sa kabilang banda, marami naman ang bumatikos kay Antonette sa kung bakit nagpaayos pa umano ito ng ilong. Ipinunto pa ng ilan na maganda na si Antonette sa kanyang mukha.


Subalit, nilinaw naman ni Whamos na sumailalim si Antonette sa isang nose surgery hindi para magpaganda kundi dahil sa aksidente.


Aksidenteng tumama ang mukha ni Antonette sa lamp shade ng kanilang bedroom. Ayon sa doctor na tumingin kay Antonette, deviated nasal septum ang nangyari kay rito kaya kinailangan nitong magpaayos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo