Sue Ramirez, Tinuldukan Na Ang Isyung Hiwalayan Nila Ni Javi Benitez!

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 Tila tinuldukan na ng aktres na si Sue Ramirez ang mga haka-haka at spekulasyon ng hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Victorias City, Negros Oriental Mayor Javi Benitez.


Nagsimula ang mga pang-iintriga sa kanila nang mag-post ang aktres sa social media ng mga katagang, “you deserve someone who is sure about you.” 


Ang post ay nagdulot ng mga ispekulasyon tungkol sa kanyang relasyon sa Negros Occidental local chief executive, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang mga opinyon na maaaring naghiwalay na ang dalawa o may pinagdadaanan.


Subalit sa ginawang update ngayon ni Sue tila tinuldukan na nito ang isyu.


Makikita sa ibinahagi niyang post ang magkahawak kamay nila ni Javi habang makikita sa view ang sunset.


“sunsets with my palangga,”  caption ni Sue.


Samantalang sa post naman ni Java ipinahayag niya ba walang katulad ang sunset kasama si Sue.


“Sunsets are always the best with you ❤️.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo