Major Bullet Jalosjos, Nagsalita Na! Buong Detalye Sa Mga Issues Ng Eat Bulaga! Sinagot Na!

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Jerome

 


Binigyang linaw na ng chief finance officer na si Major Bullet Jalosjos ng TAPE incorporated ang lahat ng mga issue at haka-haka tungkol sa programa na Eat Bulaga.


Sinagot niya lahat ng mga tanong ni Boy Abunda tungkol sa mga issue ng nasabing programa sa panayam nito sa Fast Talk with Boy Abunda.


Isa na nga dito ang tungkol sa balitang pagreretired ni Toni Tuviera. at sagot ni Bullet ay totoong nagretired na si Tuviera.


Nilinaw din niya umano na walang kinalaman ang pamilya Jalosjos sa pagreretired ni Tuviera.


Katunayan nga daw ay may posisyon parin daw si Tuviera dahil sa consultant parin ito sa Eat Bulaga.


Sunod naman na tanong ni Tiboy ay kung totoo nga ba daw na nililipat na sa Net25 ang nasabing programa.


Sagot naman ni Jalosjos ay, hindi daw ito totoo dahil maganda daw ang relationship ng Eat Bulaga at ng GMA managment at hanggang 2025 padaw ang kontrata ng Eat Bulaga sa GMA network.


Ang kasunod naman na tanong ay iiwan na ba daw ng TVJ ang Eat Bulaga at gagawa nalang ng show sa ibang network.


Sagot naman ni Jalosjos na hindi daw totoo yun dahil mahal na mahal parin daw ng management ang TVJ at maging ang TVJ ay mahal na mahal din daw ang Eat Bulaga.


Ang sumunod naman na katanongan ay kung may aalisin ba silang host nito o papalitan.


Diretsahan naman itong sinagot ni Bullet Jalosjos na hindi walang aalis at walang papalitan.


Dahil ang totoo daw ay may idadagdag pa daw silang bagong host sa Eat Bulaga at mayroon ding bagong segment na madadagdag sa nasabing programa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo