Special Guest Ni Vice Ganda Sa Vgful Concert, Umalma Ng Pagmamaltrato Mula Sa Entourage Ni Vice Ganda!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Jerome

 


Hindi paman tuloyang nakababalik sa Pilipinas si Vice Ganda, sa kanyang VGful concert sa US, ay humaharap na naman sa kontobersiya ang Unkabogable superstar.


Ito ay matapos ng saloobin ang Fil-Am singer at Producer na siyang special guest ni Vice Ganda sa kanyang concert, ito ay si Garth Garcia.


Ayon sa ibinahaging post ni Garth sa kanyang social media account ay, "When can our local talents get the same level of respect as our artists visiting from our home country?  Mataray pa sa main producers ang visiting entourage ha. lol."


"I thought visitors should be more polite? 😁 Also, Baka naman We can make them (local artists) feel equally as important as the main ones. Night Ya’ll!"


Nilinaw din ni Garth na naging maayos at magalang ang mga producer ng show at tanging ang personal assistant lang ni Vice Ganda na kasama sa entourage ang nagpakita ng hindi magandang pagtrato sa kanila.


Hindi rin nakapag pigil ang singer na si JR at nagreact sa post na ito ni Garth.


Ayon sa kanya, "Thats messed up. Stop all the pride and just respect each other. Filipino or not. As humans we should all treat each other as we want to be treated."


Sapanayam ni Garth sa Pep. ph ay inisa-isa ng singer ang kanyang naging karanasan sa kamay ng Personal Assistant ng unkabogable superstar.


Dito nga ay ipinahayag ni Garth ang kanyang pagkadismaya sa nasabing PA ni Vice Ganda.


Ang kawalan ng dressing room para sa kanya at sa front act artists ni Vice ang unang napansin ni Garth, ng dumating siya sa concert venue, kaya nagtipon-tipon ang lahat sa dining area.


Pahayag ni Garth, "Pagdating sa venue walang dressing room, pati para sa ibang artist na tagarito. Ang mga gamit namin nasa dining area."


Pagpapatuloy pa niya, "Sinita kami ng mga tauhan ni Vice, sinabihan kami na. Bakit nandito ang mga gamit niyo? Tanggalin niyo dito bakit kayo dito tumatambay? Kakain na yong mga dancer!"


Dagdag pa ni Garth na, "Of course wala silang binigay na dressing room kaya nasa dining area ang local talents."


"Sobrang disregarded, disrespected yung mga local artist. parang nandoon lang kami to see ticket's and that's it.


Matapos din daw umano ang concert ay tinawag sila ng starmedia para magcelebrate kasama si Vice.


Ngunit pina-alis daw sila ng nasabing PA ni vice, pinalayas daw sila o binugaw na parang langaw.


Samantala bago pa ang saloobing ito ni Garth ay na una na siyang nagpasalamat sa pag-invite sa kanya sa concert na ito.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo