Elle Villanueva, Papakalmahin Sa Kama Si Derrick Monasterio!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Lovely


 Nawindang si Boy Abunda at maging ang ilang mga marites sa ipinahayag ng aktres na si Elle Villanueva patunkol sa aktor na si Derrick Monasterio.


Magkasamang sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ang rumored couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa kamakailang episode ng programa ni Tito Boy sa GMA7.


Kabilang sa mga naitanong ni Tito Boy sa dalawa ay kung ano ang kanilang gagawin sakaling nagayuma nila ang isa't-isa.


Agad itong sinagot ni Derrick na  ipapalakad niya kay Elle ang mga bayaring buwis sa Bureau of Internal Revenue o BIR.


Subalit tila naiiba ang iniisip na isagot ni Elle sa katanungang ito ni Tito Boy at nainvolved pa ang kama sa usapin.


Ani Elle, “Papakalmahin ko siya. Papag-stay-in ko siya sa kama. Kasi masyado po siyang active eh.”


Makikita naman sa mukha ni Derrick na nagulat siya nang banggitin ni Elle ang 'papakalmahin siya sa kama'.


Maging si Tito Boy ay tila na-confuse din sa binitiwang pahayag ni Elle. Kaya muli nitong tinanong si Elle kung ano nga ba ang kanyang ibig sabihin sa binitiwang pahayag.


“Kasi palagi po siyang active. Laging nagwo-workout, gusto laging lumalabas ng bahay,” pagbibigay linaw ni Elle.


Muling panunundot pa ni Tito Boy, kung bakit sa dami-rami ng mga lugar sa bahay ay talagang sa kama pa naisipan ng aktres na pagpapakalmahin si Derrick na agad namang tinawanan nilang tatlo.


Samantala, hindi pa rin malinaw ngayon kung ano nga ba ang totoong estado ng relasyon ng dalawa. Hindi nila kinumpirma o itinanggi ang isyung may namamagitan sa kanila.


Naging malapit sa isa't-isa sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nang magkasama sila sa iisang afternoon series na Return to Paradise.


Unang nakilala si Derrick Monasterio sa teen series na Tween Hearts. Dahil sa kanyang angking galing nagsunod-sunod na ang kanyang mga projects at engagements sa showbiz.


Samantala, si Elle Villanueva ay isang baguhang actress na kasama sa cast ng pinag-uusapang Philippine adaptation ng hit anime series na Voltes V: Legacy.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo