James Reid At Issa Pressman Spotted Ni Xian Gaza Sa Singapore!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng self proclaimed Pambansang Male Marites at businessman na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account na naspottan umano niya sina James Reid at Issa Pressman sa isang cinema sa Singapore.


Makikita sa nasabing photo na ibinahagi ni Xian Gaza na tila isa lamang stolen shoot.


Ayon pa sa post ni Xian na nakita niya ang dalawa sa Marina Bay Sands sa Singapore. Kalakip ng larawan ng dalawa nagbahagi rin si Xian ng nakaka-intrigang caption.


Sa caption nito tila ipinahayag ni Xian ang height nina Issa Pressman at James Reid.


“Breaking news: James Reid at Issa Pressman, natagpuang 5'7" at 4'11" sa Singapore!”


Matatandaan na noong 2020 unang kumalat ang isyung may pasekretong relasyon ang dalawa sa likod ni Nadine Lustre na siyang nobya at kaloveteam noon ni James Reid.


Sa katunayan, nang aminin ng dalawa ang kanilang hiwalayan, si Issa ang tinuturong dahilan nito ng mga JaDine fans.


Naglabasan din ang mga larawan at videos kung saan makikitang patagong naghahawak kamay at naghahalikan ang dalawa sa likod ni Nadine.


Agad naman itong dinipensahan ni Nadine Lustre at ipinagdidiinan na magkaibigan silang tatlo.


Kaya naman sa paglantad nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon nitong nagdaang buwan, tumaas pa rin ang kilay ng mga netizens.


May mga naghinala pang noon pa ang relasyon ng dalawa at pilit lamang na tinatago ng dalawa sa publiko.


Isa pa sa nakakaintriga sa pag-amin nila ay talagang tinapat pa nila ang rebelasyon sa gitna ng isyu ni Liza Soberano.


Samantala, kaagad naman na umani ng reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pastolen photo ni Xian Gaza.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo