Zeinab Harake, May Madadaming Mensahe Para Kay Baby Bia Sa 2nd Birthday Nito!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Very proud at masayang-masaya ang social media personality na si Zeinab Harake sa ikalawang kaarawan ng anak niya kay Skusta Clee na si Baby Bia.


Talagang sinigurado pa ni Zeinab na siya talaga ang unang babati sa kaarawan ng kanyang anak.


Nitong April 27, ibinahagi ni Zeinab Harake na magdadalawang taon na si Baby Bia sa susunod na araw. Pagsapit ng 12:03 a.m April 28 ibinahagi naman ni Zeinab ang video nila ni Baby Bia.


Yakap-yakap ito ni Zeinab habang kinakantahan ng isang napaka-sweet na awitin.


"Happy birthday my sunshine @zebbiana_ mommy loves you so much," mensahe ni Zeinab Harake sa kanyang anak.


Si Zeinab Harake ay isa sa mga sikat na vloggers sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang paggawa ng mga unique at nakakatawang contents.


Nito lamang nagdaang taon nasangkot sa iba't-ibang kontrobersiya si Zeinab.


Una na rito ay ang hiwalayan nila ng kanyang live in partner na si Skusta Clee matapos niyang isiniwalat na nakunan siya sa pangalawang anak sana nila ni Skusta Clee na si Baby Moon.


Dito lumabas ang iba't-ibang intriga kabilang na ang isyung hindi anak ni Skusta Clee si Baby Moon.


Samantala inamin ni Zeinab Harake na parang “power” sa kanya ang kanyang anak. Ito umano ang nag-aalis sa kanyang pagod at lungkot sa sa trabaho at sa kanyang pinagdadaanan sa buhay. Okay na rin daw ang lahat basta nasa tabi niya ang anak niyang si Zebbiana.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo