Ruffa Gutierrez Natalo Sa Kaso Laban Sa Kanyang Mga Kasambahay!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Kinakailangang magbayad ng actress-host na si Ruffa Guiterrez ng danyos sa kanyang dalawang kasambahay ayon sa court order.


Natalo pala ang aktres sa demandahan nila ng kanyang mga kasambahay.


Matatandaan na noong Matatandaang noong nagdaang July 2022, kumalat ang isyung may pinalayas umano ang aktres na dalawang kasambahay sa bahay niya sa Alabang na dalawang linggo palang naninilbihan.


Ang dalawang kasambahay na ito ay galing pa umano ng Mindanao kaya hindi kaagad sila makauwi dahil hindi umano sila nabigyan ng sahod at walang pamasahe. 


Kaya sa labas ng gate ng subdibisyon sa Ayala, Alabang tumambay ang dalawa na nakita naman ng mga doon din nakatira.


Nagsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang dalawang kasambahay at pinagharap ang dalawang panig noong September 2022 para mag-ayos pero parehong tumanggi kaya natuloy na ito sa korte.


Samantala, base sa binasang desisyon ng korte ni Ogie Diaz, napag-alamang nanalo ang dalawang kasambahay.


Napag-alaman na kinailangan ni Ruffa na bayaran ng nagkakahalagang P13,299.92 at unpaid wages pro-rated 13th month pay sa loob ng sampung araw pagkatanggap nito ng Notice of Finality of Decision mula sa Department of Labor and Employment.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo