Kuya Kim Atienza Sigurado Nang Sa Langit Ang Punta 'Pag Namat@y!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng TV-host na si Kim Atienza na hindi siya natatakot sakaling mamatay siya dahil natitiyak naman umano niyang sa lahat siya mapupunta.


“Hindi na ako takot mamatay, I can die today. Kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit,” pahayag ni Kuya Kim kay Boy Abunda sa episode ng Fast Talk nitong March 30.


“Because I have accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins,” dagdag pa ni Kuya Kim.


Gayunpaman, iginiit naman ni Kuya Kim na hindi siya perpekto at nakakasala rin pero pinagsisihan at naihingi na niya ng kapatawaran ang mga ito sa Panginoon.


“I still sin. All have sinned and fell short of His glory. I still sin. But I repented all of that,” pagpapatuloy pa ng host.


“Sigurado ako pupunta ako sa langit. Not because of my doing, not because of my works. Because I have faith in Him, and because He died on the cross for me,” pagbabahagi pa ng TV-host.


Samantala, kung mapagbibigyan ng pagkakataon bago siya kunin ni Lord ay pupuntahan niya ang kanyang asawa't anak upang makausap at yakapin.


“Pupunta ako sa misis ko, kakausapin ko at yayakapin ko. Sasabihin ko mahal ko siya. Kakausapin ko lahat ng anak ko na nasa Amerika, sasabihin ko kung gaano ko sila kamahal. Pupuntahan ko ang mga magulang ko. 


Lahat ng taong puwede kong sabihan na mahal na mahal ko sila, sasabihin ko lahat. At kung may atraso pa ako kung kanino man,” saad ni Kuya Kim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo