Ruffa Gutierrez Muling Nagviral Dahil Sa Ginawa Niyang Ito Sa Kanyang Dalawang Katulong!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Jerome

 


Ruffa Gutierrez hindi daw umano maayos ang pakikitungo sa kanyang mga kasambahay.


Ito ang mga naging komento ngayon ng mga netizens matapos na muling lumabas ang issue hinggil sa pagpapalayas niya umano sa dalawang kasambahay.


Nanalo kasi sa kaso ang mga nasabing katulong na nagmula pa sa Mindanao laban kay Ruffa at ngayon ay pinagbabayad siya ng danyos basi sa ipinag-uutos ng korte.


Kung matatandaan noong August 2022 noong nkaraang taon ay lumabas ang balitang pinalayas umano ng actress ang dalawa sa kanyang mga bagong kasambahay.


Dahil naman sa wala umanong kapera-pera ang mga nasabing katulong kaya sila ay nagstay muna sa gate ng subdivision sa Alabang kung saan naroon ang bahay ng actress.


Nagkataon naman na may nakapansin sa dalawang katulong na kaibigan daw pala ni Atty. Rowena Guanzon na kaagad nag bigay ng tulong upang idimanda ang actress.


Nagviral ito dahil sa tweet ni Atty. Guanzon sa social media ngunit agad din naman dumipensa ang actress. 


Sabi niya hindi daw niya umano pinalayas ang nasabing mga katulong dahil nasa shooting daw siya noon ng Maid in Malacanang ng mga panahong iyon.


Ayon sa kwento ng actress na nag-ugat daw ang lahat, ng awayin ng mga katulong na ito ang kanyang mayor doma na 18 years ng nagtatrabaho sa kanya.


Pero sinigurado niyang hindi niya umano pinalayas ang mga nasabing katulong sa halip ang mga ito daw ang siyang nagpasyang umalis. 


Dahil ang totoo daw ay sinabihan niya pa ang mga ito na hintayin siya upang sila ay makapag-usap ng maayos.


 Samantala sinubukan pa sana silang pagkasundoin ngunit parehong tumanggi ang dalawang panig hanggat umabot na nga sa disisyon ngayon ng Korte.


Dito nga ay ihinayag na panalo sa kaso ang dalawang katulong.


Ang actress ay inutusan ng korte na magbayad ng danyos na nagkakahalaga ng 13,299 pesos pati na rin ang sahod ng mga ito na hindi pa na ibibigay ng actress na katumbas ng 10 araw na paninilbihan ng mga ito sa bahay ni Ruffa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo