Willie Revillame, Nag-Resign Na Sa AllTV!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naging laman ng usapin online ang TV-host na si Willie Revillame matapos ang isiniwalat ni Cristy Fermin na umano'y nagresign na ito sa ALLTV.


“Ito talagang… nako, grabe po ito. First time niyo po itong maririnig, mapapanood dito sa aming programa,” panimula ni Cristy Fermin.


Isiniwalat ni Cristy Fermin na isa sa kanyang mga source ang nagsabing nagresign na umano si Willie sa ALLTV network.


”Isa pong source ang nakapagbalita sa amin na sumulat na po si Willie Revillame sa pamunuan ng ALLTV, ng AMBS-2, sumulat na po siya at nag-resign na po siya. Wala na siyang kinalaman sa istasyon,” pagbubunyag ni Cristy Fermin.


Samantala, sa isang bahagi ng usapan nila, binalikan ni Cristy ang ibinigay na dahilan ni Willie noon sa pag-alis sa GMA7.


”Pero diba utang na loob ang sinasabi nating dahilan kung bakit lumipat mula sa GMA-7 si Willie Revillame sa ALLTV. Siguro naman po yung pang-iiwan ni Willie sa kanyang Wowowin na talagang kumikita siya ng milyon-milyon at talagang punong-puno talaga ng commercials at sikat na sikat.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo