Rufa Mae Quinto At Direk Darryl Yap, Magkakatrabaho!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng comedienne na si Rufa Mae Quinto na humahanga at iniidolo niya ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.


Sa Facebook post ng direktor noong April 4, 2023, ibinahagi ni Darryl Yap ang isang parody video na ginawa nina Ruffa Mae at Netflix para sa bago nitong South Korean movie.


Pinuri ni Darryl ang performance ni Rufa Mae sa nasabing video. 


Samantala agad na umabot ng million views ang ginawang parody ni Rufa Mae sa isang Netflix movie.


“Love you both Rufa Mae Quinto Magallanes,” saad ni Direk sa kanyang post.


Agad naman itong sinagot ni Rufa at ipinahayag ang kanyang paghanga sa direktor at ang pagnanais na makatrabaho ito.


Sinagot din ito ni Drek Darryl Yap at sinabing may nakahanda na siyang proyekto para sa aktres.


“Direk Darryl Yap , idol ko po kayo. Sana we can work pls haha,” ani Ruffa.


“May pitch na ko for you peach! Abangan mo hehehe,” sagot naman ng direktor sa aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo