Ogie Diaz Nagreact Sa Napapabalitang Pagpapabalik Kay Willie Revillame ng GMA7!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon online ang balitang pinapabalik umano ng GMA7 ang TV-host na si Willie Revillame matapos nitong iwan noon ang network at ipinagpalit sa AMBS.


Kaya naman maging si Ogie Diaz ay hindi nakapagtimpi at inilabas ang saloobin hinggil sa balitang ito.


Ayon kay Ogie Diaz hindi umano siya naniniwalang pinapapabalik pa si Willie Revillame ng GMA7 pagkatapos ng pagtalikod nito.


“Naku kung ganoon lang kadali Mrena, why not ‘di ba? Kaya lang siyempre, dati hinabol pa siya ng GMA pero umayaw na siya kasi nga malaki ang offer ni Manny Villar. So, I don’t think hahabulin siya ngayon ng GMA 7,” maanghang na pahayag ni Ogie Diaz.


Ipinahayag din ni Ogie Diaz ang magiging consequence umano sakaling sa ABS-CBN naman babalik si Willie Revillame.


“Ang ABS-CBN naman ang alam ko, eto’y ano lang naman sa akin once makabalik ng ABS-CBN si Willie Revillame, isang tao mula sa top management ang magre-resign. Ang nakarating sa akin, pinasakit ang ulo non ni Willie. Hindi ko lang alam ah, kung sino ‘yung tao na ‘yun.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo