Romeo Jalosjos Nagsalita Na!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Jerome

 


Romeo Jalosjos, Malou Choa Fagar at Antonio Tuviera mas pinakingkan ang kampo nina Tito, Vic at Joey kaysa sa mga balak ng mga anak ni Jalosjos para sa pagbabago sa Eat Bulaga.


Ayon kay Jalosjos na hindi pa daw panahon upang alisin ang iconic trio sa Eat Bulaga, lalo na daw at sila ang nagsimula nito.


Kung mawawala daw ang ugat, ay baka masmalaki daw ang ikabagsak ng TAPE incorporated dahil dito.


Kaya maliwanag na ang sitwasyon ngayon sa nasabing programa, ay tiyak na malaki ang posibilidad na magpapatuloy parin sa pag-ere ang Eat Bulaga kasama ang iconic trio na sina Tito, Vic and Joey.


Ayon sa source ay nagkaroon daw ng pag-uusap ang kampo nina Tito,Vic at Joey at ng pamunoan ng TAPE incorporated ng pamilya Jalosjos.


Sa naging pagpupulong ay wala naman daw naging problema dahil sa pumayag naman daw ang pamunoan ng TAPE sa mga demand ng TVJ.


Kabilang daw sa mga napagkasundoan ay hindi panghihimasukan ng TAPE incorporated ang mga tauhan at mga staff ng noontime show na Eat Bulaga.


Ang ibig sabihin lang nito ay walang tatanggalin o papalitan sa production team ng Eat Bulaga.


Dagdag pa ng source ay mukhang walang magiging pagbabago sa nasabing programa dahil sa mga naging kasundoan ng dalawang panig.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo