Moira Dela Torre, Ipinaliwanag Kung Bakit May Kayakap Siya Lalaki!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Agad na napansin ng mapanuring mga mata ng mga Marites ang latest post ng singer na si Moira, kung saan makikitang may kayakap siyang lalaki.


Ibinahagi ni Moira sa kanyang post ang ilang mga larawan mula sa aniya'y “favorite snow day” moment.


Agad namang napansin ng mga netizens ang isang larawan kung saan makikitang may kayakap na lalaki si Moira subalit hindi makita ang kanilang mga mukha dahil pareho silang nakatalikod.


Marami sa kanyang mga fans ang napakomento at sinabing dapat na mag-ingat na si Moira at baka makakagawa na naman siya ng hugot songs.


"Pag ikaw Moira iyak2 naman sinasabe ko Sayo"


"Aba Ate Moira sino yan? Teka nga nasan ba pamalo ko…"


"Lumalablap nas antie. Meresii nimu Jason"


"Yan ka na naman Moira baka mamaya mag rerelease ka na naman ng kanta nyan."


Samantala agad namang nilinaw ni Moira na ang kanyang kayakap ay walang iba kundi ang kanyang manager.


“kumalma po kayo. manager ko po yan. pareho po kami ng type.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo