Eisel Serrano, Sinabing Lovable Si Carlo Aquino!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng baguhang aktres na si Eisel Serrano sa isang panayam na hindi mahirap na mahalin ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino.


Sina Eisel Serrano at Carlo Aquino ang lead stars sa Summer Metro Manila Film Festival 2023 entry na Love You Long Time. Ang pelikulang ito ay kinunan sa Baguio at Benguet at pagkatapos ng filming ng pelikula, naging malapit silang magkaibigan.


Aminado si Eisel na nagulat siya nang malaman na si Carlo Aquino ang ipapares sa kanya sa pelikula, dahil buong pag-aakala umano niya ay isa ring baguhang aktor ang kanyang magiging ka-love team sa pelikula.


“He was very nice and he didn’t make me feel that I’m new in the industry and that he is a veteran… I found it easy working with him on set and naging maganda ang pagsasama namin sa pelikula,” saad ni Eisel.


Inamin rin ng aktres na naging magkalapit sila ni Carlo matapos ang filming at nagtatawagan pa.


Sa kanilang unang pagkikita, inilarawan ni Eisel si Carlo bilang isang napaka-sweet at napaka-friendly. 


“As we all know, Carlo is a very sweet person. So hindi po talaga mahirap mahalin ang isang Carlo Aquino.”



Nang tanungin kung may punto ba sa shoot na nainlove siya sa kanyang leading man, sinabi niyang bilang si Ikay, ang kanyang karakter, kailangan niyang ma-in love kay Uly, ang karakter ni Carlo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo