Presyo ng kanin sa bagong bukas na resto ni Rendon Labador!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Jerome

 


Viral ngayon sa social media ang mga pahayag ng social media influencer na si Rendon Labador matapos na punahin ng mga netizens ang presyo ng kanin sa kanyang bagong bukas na Resto.


Marami kasi ang nadismaya sa umanoy mahal na presyo nito, na makikita sa mga kumakalat na larawan ang kanyang Menu.


Makikita dito na nasa 450 pesos ang presyo ng kanyang Tinapa sa Aligue rice, at 400 pesos naman sa Morisqueta Tostada.


Ngunit ang mas ikinagulat ng marami ay ang presyo ng single serving ng plain rice nito na nagkakahalaga ng 100 pesos.


Kaya naman dahil dito ay inulan ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang pesyohan na ito ni Rendon sa kanyang Bagong bukas na Resto.


Gayun paman ay agad naman na nagbigay ng pahayag si Rendon Labador ukol dito.


Sabi niya sa kanyang ibinahaging pos sa kanyang social media account ay, "“THE MOTIVATIONAL RICE” 

"Mindset ng karamihang pinoy, kung hindi mo afford gagawa ka nalang ng mga excuses sa buhay at isisisi sa ibang tao ang failure mo." 


"Gusto ninyo isinusubo nalang lahat sa inyo ang tagumpay. LUMABAN KA at pilitin mong umangat sa buhay para yung MAHAL sayo ngayon ay maging MURA balang araw."


"Again, this is not to discriminate but a wake up call para itaas mo ang standards mo! Gamitin mong MOTIVATION yan!!! #StayMotivated"


Samantala dahil sa post na ito ng influencer ay tila mas nanggalaiti pa ang mga netizens at karamihan nga sa mga ito ay kinuntra ang umanoy motivational rice ni Rendon.


Pero ay iilan din naman na ipinagtanggol siya laban sa mga bashers.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo