Coco Martin, Hiling Ang Matagumpay Na Negosyo Ni Rendon Labador!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Napag-alaman ng Kapamilya star na si Coco Martin ang pagbubukas ng restaurant ng motivational speaker na si Rendon Labador sa Quezon City noong March 25, 2023.


Matatandaang itinuring na ‘flop’ ang unang grand opening ni Rendon Labador matapos sabihin ng influencer na nabigo silang magbenta ng ticket na nagresulta sa pagkalugi niya ng P1.2-M.


Sinisi pa niya si Coco Martin at ang mga tagahanga nito, sinabing hindi nila kayang bayaran ang entrance fee para sa kanyang restaurant na nagkakahalagang two thousand pesos.


Samantala sa kabila ng mga batikos na natatanggap ni Coco Martin mula kay Rendon Labador, wala pa ring masasabing masama ang aktor laban sa motivational speaker.


Sa isang panayam ng press sa premiere night ng kanyang entry movie para sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival, sinabi ni Coco Martin na hindi niya pinapansin ang mga negatibong komento ni Labador laban sa kanya.


Bagkus hiling niya na sana'y maging matagumpay ang negosyo nito.


“Wala po ako kakayahan para magsalita po sa mga bagay na ‘yan. Pero ako siyempre, ang push ko sana ay maayos na, at maging okay na ang lahat dahil di maganda na nagsisiraan at may mga sinasabi kang hindi maganda sa kapwa mo.”


“I wish na sana maging successful ang negosyo niya at maging okay na lahat.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo