John Regala Humingi Ng Tulong Kay Coco Martin Para Makabalik Siya Sa Trabaho!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


Umapela ang aktor na si John Regala sa mga television network at maging sa director/actor na si Coco Martin na tulungan siyang makabalik sa show business.


Inamin ng dating aktor na si John Regala na naghihirap na siya ngayon dala ng kanyang mga kinakailangang medications.


Matatandaan na noong August 16 hanggang September 16 naging bahagi si John Regala sa teleserye ni Coco Martin na FPJ's Ang Probinsyano.


Matapos ang apat na taon, muling nanawagan si John Regala na nais niyang muling makasama sa panibagong teleserye ni Coco Martin.


Sa isang panayam ipinahayag ni John na sa kabila ng kanyang medical conditions ay kaya pa rin niyang gumanap at magtrabaho sa showbiz.


“Pakiusap ko lang po sana sa mga television network, bigyan niyo naman ako ng trabaho. Kaya ko pa naman umarte dahil ito ang makapagpapasaya sa akin. Maraming salamat po,” panawagan ni John Regala.


“Nandito lang po ako sa aking condominium unit at naghihintay ng pagkakataong makabalik,” dagdag pa nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo