Pokwang, Hindi Napigilan Ang Mga Luha Habang Pinag-Uusapan Si Lee O'Brian!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang emosyon nang mapag-usapan nila ni Bea sa vlog nito ang mga bagay-bagay tungkol kay Lee O'Brian.


Matapang na sumabak si Pokwang sa isang Legit Lie Detector Challenge sa vlog ni Bea Alonzo at hindi napigilan ang kanyang pagluha sa kalagitnaan ng pagtatanong ng aktres.


Naitanong ni Bea ang tungkol sa mga bagay na naibigay niya kay Lee at kung sumubra na nga ba sa pagbibigay ang komedyante.


"Sa tingin mo ba lahat-lahat binigay mo to make it work?" tanong ni Bea Alonzo.


Agad naman itong sinagot ni Pokwang at sinabing sumubra pa.


Ipinahayag pa ni Pokwang na talagang sumubra ang pagbibigay niya kay Lee na umabot pa sa punto na maging ang mga kamag-anak at mga kaibigan niya ay nagalit na sa kanya.


"Sobra yung binigay ko to the point na naging t*nga ako, to the point na ang daming nagalit sa akin na kamag-anak ko, ang daming nagalit sa akin na kaibigan ko kasi hindi ako nakinig."


Inamin rin ni Pokwang na nagagalit siya sa pagkakaroon ng bagong girlfriend ngayon ni Lee O'Brian dahil tila hindi niya matanggap na madali lamang siya nitong napalitan.


"Hindi ako nagseselos. Nagagalit ako sa kanya kasi, alam mo kung bakit? Ang bilis mong maka-ano, hindi ka muna mag-sorry ka muna sa akin."


"I was waiting. I gave him so many chances and signs na I'm willing to, 'Come on, ayusin natin 'to. May bata, ano ba'"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo