Sunshine Cruz Bumwelta Sa Nag-Post Tungkol Sa Airline Issue!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Lovely


Nagsalita na ang aktres na si Sunshine Cruz tungkol sa isang netizen na nagbintang sa kanila sa pagkaka bumped off sa kanilang flight.


Umaani ngayon ng samu't-saring pambabatikos ang buong pamilya ni Sunshine matapos magpost ng blind item ang isang social media user tungkol sa isang pamilya na nang-agaw umano ng kanilang seats sa eroplano na naging dahilan na nabumped off sila.


Matatandaan na naunang ibinahagi ni Sunshine na nasa Bali, Indonesia siya kasama ang kanyang mga anak para sa isang bakasyon.


Pinabulaanan ni Sunshine ang isyu at sinabing napaka unfair naman na sila ang nabash gayung hindi naman umano sila ang tinutukoy sa post.


"My family and friends have tickets to Bali at nakasakay ka din naman pala girl. Hinayaan mo pang i-bash at guluhin kami ng mga tao sa insidente na wala kaming kaalam-alam at kasalanan. Ngayong lumaki ang issue deleted na ang post mo girl?!" bwelta ni Sunshine Cruz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo