John Estrada Sadyang Lapitin Ng 'Chicks' Sey ni Ogie Diaz!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely

 

Naglabas ng saloobin ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa sunod-sunod na pagpapalabas ng hugot sa social media ng asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles Estrada.


Kung pagbabasehan ang mga post ni Priscilla, mababatid na tungkol sa panloloko at third party sa isang relasyon, inamin naman din nito kalaunan na may pinagdadaanan talaga ngayon ang pagsasama nila ng asawa.


Ayon kay Ogie Diaz, kilala niya at alam umano niyang sadyang lapitin at irresistible itong si John Estrada.


Gayunpaman, hiling ni Ogie Diaz na sana'y malampasan ng dalawa ang kanilang pinagdadaanan ngayon.


 "Kilala ko siya. Ano kasi si John eh, lapitin ‘yung kumpare ko na ‘yan. Irresistible,” pahayag ni Ogie Diaz.


“Pero siyempre, hindi naman rason ‘yun para yugyugin natin ang relasyon nila. Pasasaan ba’t isa lamang ito sa itinuturing nating pagsubok sa kanilang relasyon lalo na at meron silang anak. Babae pa man din,” dagdag pa ng talent manager.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo