Paolo Contis, Sinabing Dadaan Muna Siya Sa Abogado Bago Makipagkita Sa Kanyang Anak!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang aktor na si Paolo Contis na nais niyang makita at makasama man lang kahit saglit ang kanyang anak sa ex-partner na si LJ Reyes.


Matatandaan na agad na nagdesisyon si LJ Reyes na pumunta sa Amerika at doon na manirahan matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Paolo Contis.


Ayon kay Paolo Contis, nais na niyang makita at makasamang muli ang anak dahil mahigit dalawang taon na ang nakakalipas at namimiss na niya ito.


Sa panayam kay Paolo Contis nina Nelson Canlas at Aubrey Carampel, inamin ni Paolo na wala na silang communication ni LJ Reyes dahil naka-blocked na siya sa lahat ng social media accounts nito.


Ang tanging paraan lamang umano para makausap niya ang dating partner ay sa pamamagitan ng abogado nito.


Ayon pa kay Paolo na nakahanda umano siyang magpunta sa Amerika sakaling pumayag na si LJ Reyes na makita at muling makasama ang kanilang anak.


Sa ngayon ay patuloy pa rin umano ang pakikipag-usap niya sa abogado ni LJ upang hingin ang permiso ng aktres na makita niyang muli sa personal ang kanilang anak na si Summer.


“I’m waiting for the right time, I’m waiting for the go signal. I’m trying to contact them through her lawyer,” pahayag ni Paolo.


Matatandaan na nagkahiwalay sina Paolo Contis at LJ Reyes sa gitna ng isyung nagkamabutihan na sina Paolo Contis at co-star nitong si Yen Santos.


Ilang beses ding namataan sina Yen Santos at Paolo Contis na magkasama matapos aminin ni LJ Reyes na hiwalay na sila. 


Subalit nang tanungin si Paolo sinabi niyang friends lamang sila ni Yen. Nagkakasama lamang umano sila 'as a friends'.


Samantala, patuloy pa rin nananahimik si LJ Reyes hinggil sa mga isiniwalat ni Paolo Contis.


Si Paolo Contis ay isang Filipino actor. Bukod sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer, may dalawang anak pa ang aktor kay Lian Paz na kasalukuyang nasa Cebu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo