Ogie Diaz Babatiin Pa Rin Ang 'Anak' Na si Liza Soberano Sakaling Makita Sa US!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely

Nakabalik na sa bansa ang talent manager at showbiz insider na showbiz insider na si Ogie Diaz, mula sa Amerika.


Sa latest episode ng kanilang Youtube vlog nakasama na nina Mama Loi at Ate Mrena si Ogie Diaz na ilang araw ding nasa Amerika.


Sa kanilang pag-uusap, natalakay nila ang dating alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano.


"Hindi kami nagkita. Wala naman kaming usapan na magkikita kami. Pero kung sakali na magkakasalubong kami, bakit naman hindi ko babatiin si Liza? Ano ka ba, anak-anakan natin 'yan," saad ni Ogie.


"Kahit saan tayo magpunta, 'pag nakita ko 'yan si Liza babatiin ko 'yan. Nang-iintriga ka pa e," dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz kay Mrena.


Nauna na rito ang palitan nina Ogie Diaz at Liza Soberano ng mga pagbubunyag laban sa isa't-isa habang nagkakasama pa bilang manager at talent.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo