Buong Detalye Sa Pagwawala Ni Paul Soriano Sa Presscon ni Vanessa Hudgens Isiniwalat Na!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Idinetalye na ng kolumnistang si Mama Loi ang napapabalitang insidente kung saan nagwala umano si Diek Paul Soriano sa naganap na presscon ni Vanessa Hudgens kamakailan.


Si Boy Abunda ang siyang nag-interview sa Hollywood actres na ipinatigil umano nitong si Direk Paul Soriano.


Marami na rin umano ang nakapansin na bago pa man ipinatigil ng direktor ang panayam ay hindi na ito mapakali sa gilid.


"Marami tayong mga kapatid sa press na nagbigay ng kani-kanilang mga nasaksihan. May mga nagsasabi raw na during the presscon, makikita si Paul Soriano na nasa gilid at parang hindi raw mapakali," saad ni Mama Loi.


Tila hindi na umano ito nakapagpigil at inis na kinausap si Maam Joyce ang head ng PR Team at tuluyan na ngang pinatigil ang interview.


"At sa isang punto nga ng interview, nasaksihan daw na parang inis na sinita raw ni Direk Paul itong si Miss Joyce 'yung head ng PR. Dahil hindi nito hinarang 'yung mga off script na questions ni Tito Boy. "


"Nangatwiran daw si Miss Joyce na ayon pa rin sa eye witness, hindi raw pwedeng basta putulin ang pagtatanong kay Vannesa habang on-going ang Q& A," pagdedetalye pa ni Mama Loi.


Inilipat naman umano sa ibang venue ang presscon para sa ipinangakong one on one interview, subalit nang umabot sa turn ng CNN bigla na namang pinatigil ni Paul Soriano ang interview kaya nagkaroon ng komosyon.


May nakarinig pa umano ng hindi maganda mula mismo sa bibig ni Paul Soriano.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo