Nakakaiyak Unang Gabi Ng Hlmlay Ng Mother Ni Ogie Diaz Dinagsa Ng Mga Kaibigan Sa Showbiz!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Jerome

 


Bumuhos ang pakikiramay na natatanggap ngayon ng talent manager, comedian, vlogger na si Ogie Diaz mula sa kanyang mga taga subaybay at sa kanyang mga kaibigan sa showbiz sa pagpanaw ng kanyang ina.


Nito lamang April 22, 2023 ay pumanaw ang ina ni Ogie Diaz sa edad na 87.


Bagama't malungkot ay tanggap na daw ni Ogie at ng kanilang pamilya ang pagkawala ng ina.


Naging maayos naman daw ang naging buhay nito at naibigay nilang magkakapatid ang pangarap ng kanilang ina.


Nagpapasalamat din sila sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya.


Saad niya,"Salamat sa lahat ng pakikiramay sa pagpanaw ng aking mahal na ina, si Aling Mameng."


"87yo, hindi na kami choosy.  At least, naipikit niya ang kanyang mga mata na kumpleto ang kanyang mga anak."

 

"Higit sa lahat, I’m proud to say na naibigay ko naman sa nanay ko ang lahat ng pangarap niya sa buhay." 


"Salamat sa lahat ng sakripisyo at pagiging selfless, Nay!    Mahal kita. Magkasama na kayo ngayon ni tatay." ❤️❤️❤️

Dagdag pa niya, "Malungkot, oo, pero masmasaya ako kasi masaya na ang nanay."


"Dahil pahinga na siya. Na-enjoy naman niya ang 87 years of existence."


"Diyos ko, sabi ko nga choosy paba sa 87? Na hindi nga natin alam lahat, kung aabotin natin ang edad na yon sa panahon ngayon?"


"Again, salamat sa lahat ng pangungumusta niyo, pakikiramay at pagmamahal sa akin."


"Nay you did a great job. saludo ako sayo mahal kita nay!"


Samantala dinamayan naman si Ogie ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz, sa unang gabi ng lamay.


Kabilang na nga dito ang mga kasama niya sa kanyang programa na, Ogie Diaz Showbiz Update, na sina Mama Loi at Tita Jegz.


 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo