Gerald Anderson, Hindi Kayang Maging Vlogger Dahil Mahiyain!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Diretsahang ipinahayag ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson na hindi niya kakayanin ang mga ginagawa ng mga vloggers dahil napakamahiyain umano niya sa totoong buhay.


Ilang mga celebrities na rin ang sumubok at nagtagumpay sa kanilang pagba-vlog sa kanilang mga Youtube channels pero tila naiiba si Gerald Anderson dahil ayon sa kanya sadyang hindi niya kaya ang vlogging.


Samantala sa kanyang guesting sa Korina Interviews binalikan ni Gerald Anderson ang kanyang pagpasok noon sa bahay ni Kuya at ang mga hindi malilimutang aral.


Dagdag pa ni Gerald na kung sakaling hindi siya nakapasok noon sa Pinoy Big Brother, tiyak na mahihirapan siyang mag-artista dahil sa pagiging mahiyain niya.


“Sabi ko nga, kung naging artista ako ngayon or nag-start ako ngayon, with how easy it is to be celebrity dahil sa YouTube, social media, mag-post ka lang, celebrity ka na, mahihirapan ako ngayon maging artista."


“Mahiyain ako, eh. Hindi ko kaya ‘yung magkaroon ng sariling YouTube channel,” dagdag pa ni Gerald.


Si Gerald Anderson ay na-discover ni Joross Gamboa nang magperform ito sa bayan ni Gerald Anderson. Ipinakilala siya ni Joross Gamboa sa kanyang manager na si Jhun Reyes.


Dinala naman siya nito sa ABS-CBN para makapasok sa unang season ng Pinoy Big Brother: Teen Edition. 


Itinanghal naman siya bilang Third Big Placer ng show kung saan ang dating girlfriend at kaloveteam na si Kim Chiu ang hinirang bilang Big Winner.


Mula noon naging sunod-sunod na ang mga proyekto ni Gerald Anderson sa Kapamilya Network.


Kaya naman nanininiwala si Gerald na ang PBB ang nagdala sa kanyang swerte sa showbiz industry.


Hindi rin kinalimutan ni Gerald ang mga fans niya na mula pa man noon ay nakasuporta na sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanan niyang issues.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo