Geneva Niresbakan Ang Basher Na Dinamay Ang Kanyang Anak!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na sinagot ng actress-singer si Geneva Cruz ang isang basher na nagkomento sa kanyang sexy photos na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.


Pinagsabihan kasi siya ng isang netizen tungkol sa mga pagbabahagi niya ng mga sexy photos na nakasuot ng bikini sa kanyang Facebook at Instagram accounts.


Nito lamang April 19, ibinahagi ni Geneva ang ilang mga larawan niya kasama ang anak na si London Cruz at ilang malalapit na kaibigan.


“With my long legged baby girl @londonleecruz and our friends. #islandgirltravelerph,”  caption ni Geneva sa kanyang photos.


Agad namang umani ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at fans ang nasabing post ni Geneva. Marami ang pumuri sa kaseksihan nito sa kabila ng pagkakaroon ng anak.


Subalit hindi parin naiwasan ni Geneva ang pamumuna ng basher. Ipinunto pa ng basher na pangit umanong tingnan na sa ibang larawan at makikita na ang mukha ng langit.


“Buti ang anak mo hindi nag babandera ng katawan niya. Hindi nagpapakita ng puwit sa madlang people.”


Agad naman itong sinagot at tila pinatulan ni Geneva, pinapatingin pa niya ito sa salamin bago makialam sa buhay ng iba.


“Aww… Putting me down because it makes you feel good. Look at yourself in the mirror and try to realize if your attitude is better than my flaunting of the body I work hard for,” banat ni Geneva.


“I feel sorry for you. Compassion is an important trait to have in this world."


“Shaming me and comparing me to my 8-year old daughter is the lowest of the low. I feel sorry for you. Have a good life. I mean it,” aniya pa.


Hindi pa rito nagtatapos ang pangreresbak ni Geneva sa basher dahil ibinahagi pa niya sa kanyang Facebook account ang screenshots ng palitan nila ng komento ng basher sa kanyang post.


“Aww… Lani L. Lazo, nanay ka? It’s my mom’s death anniversary today… you could’ve been more compassionate kasi unnecessary yung comment mo. God bless you,” caption ni Geneva.


“She chose to be rude instead of being compassionate. Bullies like her must be stopped.


“I will continue educating people on social media. Ang saya-saya ng buhay ba’t kailangan makialam sila ng di nila problema at di problema.


“I said it before, and I’ll repeat it again: I will wear whatever I want until my boobs are down to my toes; if you have a problem with that, leave my site. Respectfully,” pagdidiin nito.


Si Geneva Mendoza Cruz ay isang multi-platinum Filipina singer at actress. Nakilala si Geneva Cruz sa kanyang mga hit songs na, “Anak Ng Pasig” at “Kailan”.


Siya ay na-discover at tinuruan ng National Artist of the Philippines for Music na si Ryan Cayabyab.


Isa rin siya sa mga myembro ng defunct iconic group noon na Smokey Mountain, kung si Ryan Cayabyab din ang bumuo. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo