Elisse Joson Masayang Ipinasilip Ang Bonggang Birthday Celebration Ng Anak!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Isang bonggang birthday party ang hinanda nina Elisse Joson at McCoy De Leon para sa kanilang nag-iisang prinsesa na si Baby Felize.


Isang Encanto-themed birthday party ang naganap kung saan totoong nagmukhang prinsesa si Baby Felize sa kanyang floral dress at violet headband.


Isang Encanto-themed cake din ang nakatayo at isang malaking puting inflatable slide at ball pit ang itinayo na parehong kinagigiliwan ng mga bata at matatanda. 


Sina McCoy at Elise naman ay parehong present sa special day at makikita sila na ini-enjoy ang kanilang oras kasama ang kanilang baby Felize.


Sa isang Instagram post ipinahayag ni Elisse ang kanyang sweet message para sa kanyang anak.


“Every gising is a blessing because of you, our ray of sunshine 🌞 happy birthday Felize 🎂 I love you so so very much!!!”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo