John Prats Magiging Direktor Sa Concerts Of K-Pop Stars Na Sina Baekhyun At Jeon Somi!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


Nakatakdang i-direct ng aktor-direktor na si John Prats ang upcoming concert ng K-pop stars na sina Baekhyun, na isa sa mga miyembro ng EXO, at Jeon Somi, na bahagi ng all-girl group na I.O.I.


Naging direktor ang aktor na si John Prats dahil sa kanyang talent at expertise sa mundo ng showbiz.


Kabilang sa mga nai-direk na aktor-direktor ang teleseryeng Ang Probinsyano at ang noontime show na It's Showtime. Nakapagdirek na rin siya ng ilang mga concerts event sa Pilipinas.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon si Jogn Prats ang napiling director sa upcoming concert ng K-pop Stars na sina Baekhyun at Jeon Somi.


Magtatanghal ang dalawang South Korean idols sa Overpass: K-pop Music Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating June 11. Ang music event na ito ay inorganisa ng Cornerstone Entertainment at OctoArts Entertainment.


Samantala, sa Instagram post ng aktor inanyayahan niya ang kanyang mga followers na manood sa concert.


“So excited to direct this party/concert para sa inyo! Let’s go! Buy your tix na! See you there! TGBTG!”


Makikita naman sa comment section ng kanyang post ang pagkahype ng mga netizens kabilang na ang kanyang kapatid na si Camille Prats.


Maging ang ilang mga tagahanga nina Baekhyun at Jeon Somi ay nagpahayag din ng pananabik sa kanilang nalalapit na concert sa Pilipinas. 


Isinama din ni John sa kanyang post ang mga presyo ng tiket at ang kaukulang lugar. Ang lugar para sa SVIP ay nagkakahalaga ng Php 12,273. Available ang mga tiket sa Ticketnet Outlets.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo