Arnell Ignacio Uminit Ang Ulo Sa Mga Ofw Na Nag Tiktok!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Jerome

 


Hiniling ni Overseas welfare administration o OWA administrator na si Arnell Ignacio sa mga overseas Filipino workers na tumulong sa gobiyerno at wag ng magpasaway sa ibang bansa. 


Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Arnell Ignacio ang kanyang post na may lamang mensahe para sa mga pasaway na mga Overseas filipino workers.


Partikular ngang tinukoy ni Arnell Ignacio ang mga OFW na sadyang isinasangkot ang sarili sa mga kalokohan sa kanilang bansang pinagtatrabahoan.


Tulad na lamang daw ng ilang nag papanggap na prostitute na ipinapakita pa sa TikTok.


Gayon din ang iba na kapagnapahamak na, ay humihingi ng nagsaklolo sa pamahalaan sa pamamagitan ng media, pero hindi naman daw sinasabi ang mga kalokohang pinaggagawa.


Paalala ni Arnell Ignacio sa mga OFW na sila ang mga mistulang ambasador ng Pilipinas sa mga bansang kanilang pinagtatrabahoan.


Kaya nararapat lang na dapat nila ipakita ang magandang pag-uugali ng mga Pilipino.


Dagdag pa niya, na nadadamay pa tuloy ang mga matitinong mga OFW at nasisisi pa daw umano ang gobiyerno sa mga kalokohang pinaggagawa ng ibang mga OFW.


Dahil dito ay diretsahang sinabi ni Ignacio na kung magpapasaway lang ang mga ito ay masmabuti pang wag nalang daw silang magsipagtrabaho sa ibang bansa at magsi-uwi na lamang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo