Mark Bautista Inamin Na Nilayuan Ng Ilang Mga Kaibigan Matapos Isiniwalat Ang Pagiging Gay!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng singer na si Mark Bautista na nilayuan siya ng ilang mga kaibigan nang isiniwalat niya ang kanyang totoong pagkatao.


Matatandaan na sa isang librong inilathala ni Mark, inamin niya ang pagiging isang myembro ng LBTQ. Inamin pa niya na nagkaroon siya ng intimate relationship sa kanyang kaibigan.


Sa panayam ni Mark sa programa ni Boy Abunda, inilahad ni Mark na kahit nilayuan siya ng ilang mga kaibigan at naapektuhan ang kanyang showbiz career wala pa rin umano siyang pagsisisi sa kanyang pag-amin.


Bagama't may mga kaibigan na lumayo sa kanya may ilan pa rin naman umanong nanatili at nagbigay sa kanya ng pagsuporta, ang mas nakakagulat pa ay karamihan sa mga ito ay ang hindi pa niya gaano ka-close.


“Meron naman sa showbiz na naging distant dahil feeling nila I was just doing it for publicity, so medyo doon ko nakilala ang pagkatao. Mas na-shock ako sa mga taong hindi ko in-expect na magsu-support sa akin. Mas yun ang pinanghahawakan ko,” aniya.


Ipinahayag din ni Mark na kahit isa siyang myembro ng LGBTQ community handa pa rin siyang tumanggap ng role ng lalaki.


Subalit maging ang mga work offer sa kanya ay nagbago na rin dala ng kanyang pag-amin.


“Nagkaroon na ng limitation yung ibinibigay na offers, o nai-stereotype na yung roles na puwedeng ibigay sa akin. Gusto ko pa ring gawin na parang, like normal na role, or like yung straight na role. 


"So, after nung mag-book ako, marami ring nag-offer sa akin na movies na gagawin, but puro BL (Boys Love)," saad ni Mark.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo